PUNUNG-PUNO ang Cinema 7 ng SM Megamall kamakalawa nang gabi kung saan ginanap ang premiere ng pelikulang That Thing Called Tanga Na.

Maingay sa loob ng sinehan habang pinapanood ang pelikula dahil masaya ito at ang gagaling ng mga bidang pinangunahan nina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero at Angeline Quinto.

Naaliw kami sa kabuuan ng pelikula na mukhang inspirado si direk Joel Lama­ngan.
Si Eric ang pinuri nang husto sa napaka-consistent niyang portrayal na isang bading na ama na may dyowang bagets.

Nakakaaliw ­siya kapag bumibitaw ng mga linyang sumikat sa mga pelikula nina ­Nora ­Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Bea Alonzo at Mark Lapid.

Nakakaaliw ring panoorin si Kean Cipriano na parang kamukha niya si Dolphy kapag nagbabading ito.
Kapag ni-remake ang Facifica Falayfay, siya ang perfect sa role.

Kaya lahat sila, lalo na si Mother Lily ay ­tuwang-tuwa sa magandang feedback sa pelikula.

***

Pagkatapos ng premiere night ay naka­tsikahan namin si Kean para sagutin ang ku­malat na isyung may binato raw ito na microphone sa isang show niya dahil sa technical problems sa sound system.

Itinanggi ito ng lead vocalist ng bandang Calla Lily. Wala raw ganu’ng pangyayari.
Ani Kean, “Malamang, na-misinterpret lang nung tao ‘yung show. Kasi, ganu’n ako mag-show, eh.

“Ganu’n talaga ako mag-show, parang baliw baliw kami gumalaw, eh. Rock ‘en roll eh, so parang na-misinterpret nila. Pasensya na kung na-­misinterpret nila.”

Ipinakita sa amin ni Kean ang ilang litrato ng performance niya kung saan iniitsa niya ang mic at sinasalo ito.

Ginawa rin daw niya iyun sa campus tour niya sa National Univer­sity kamakailan. Pero wala raw siyang binato o kahit nalaglag man lang na mic.

“Walang nangyari na nalaglag ‘yung mic. Walang nalaglag,” pakli nito.
“Matagal na akong tumutugtog, eh. So, lahat na nakasalamuha at
nakasama ko, nirerespeto ko na binibigay sa lahat.

“Hindi para manadya o manira. Alam ko kung gaano kahalaga ang bawat instru­mento, eh.
“Ako mismo, mai­ngat ako sa mga gamit ko, pero parte ‘yun ng show.

“Ako, pag nag-show ako, hindi ‘yan nalalayo sa kung paano ko iniitsa ‘yung mic para parte ng show. Kumbaga, act ko ‘yun eh. Act ko siya na kumbaga, style ko ‘yan since bata ako.
“Saluhin ko ‘yung mic, kakanta ako.”

Nilinaw rin ng ­singer/actor na me­ron talagang technical problems sa sound system nu’ng nag-show sila sa National University pero hindi raw dahilan iyun para magwala siya at ibato ang mic.

“May technical problems talaga, sa simula pa lang.
“Sa unang banda pa lang, maraming banda ‘yun eh.

“Kaya kailangan naming bumaba. Kailangan naming ihinto ‘yung show for a while, kasi, may inaayos sila technical problem,” saad pa ni Kean.

“Nagulat lang ako na may lumabas na ganu’n. Kaya para sa akin, I don’t wanna take against du’n sa person.

“Kasi syempre, wala naman akong masamang tinapay. Pero kung na-misinterpret, pasensya na.

“Pero kumbaga, ganu’n talaga ako mag-show eversince. Hindi ako naninira ng gamit. Alam ko kung gaano kahalaga ‘yun,” seryosong pahayag ni Kean.

3 Responses