SINA Snooky Serna at Eula Valdez naman ang magiging mortal na magkaaway sa bagong afternoon series ng GMA 7, ang Anything For You. Kapwa excited ang dalawa sa bago nilang show.

Sa Miyerkules na ang taping para sa afternoon series na ‘yon.

Kung may bagong show na si Eula sa Kapuso network, nangangahulugan lang na matatapos na ang morning series niya na pre-programming ng Eat Bulaga.

Ang show na ‘yon ay line-produced ng APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera for TAPE, Inc. kung saan ay top executive din siya.

Tama ba na mag-“one plus one” kami na kaya tatapusin na ang nasabing pre-programming show ng Eat Bulaga ay dahil doon ilalagay ang sinasabing morning show ni Kris Aquino na ipoprodyus ng APT Entertainment?

Eh, sa Setyembre 22 na raw ang taping ng new show ni Kris kaya posibleng sa Setyembre 25 na magpa-pilot ‘yon sa nasabing timeslot?

Ayaw na naming usisain ang mga taga-APT Entertainment tungkol doon dahil hindi ba, sinasabing bubulagain na lang tayo ng new show ni Kris?

Erich at Daniel
Erich at Daniel

Well, sana nga ay marami ang mabulaga at madala sana ni Kris sa Kapuso network ang followers niya lalo na at kung totoong sa timeslot na ‘yon siya ilalagay ay makakatapat ‘yon ng morning series nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa ABS-CBN.

Remember, si Kris ang nag-push kina Erich at Daniel hanggang sa naging magkarelasyon ang dalawa, ‘noh?!

Mixed ang reactions ng mga taga-Kapamilya network sa sinasabing new show ni Kris sa GMA 7.

May ibang nagsasabi na no matter what, they will remain friends with Kris, pero ang iba, quiet lang dahil siyempre, they have to show loyalty sa TV network na nagbibigay ng trabaho sa kanila.

***

Marami ang gandang-ganda sa new hairstyle ni Regine Velasquez-Alcasid na medyo maigsi na.

Bagay na bagay ‘yon kay Regine.

Pati ang mister niyang si Ogie Alcasid ay gandang-ganda sa new hairstyle ng wifey.

Nag-date kaagad ang mag-asawa noong araw na ‘yon.

Nagawa na uling magpagupit ni Regine nang medyo maigsi dahil ang laki na ng ipinayat niya.

Kung noon ay parang pa-easy-easy lang si Regine sa pagpapapayat at may time na liliit siya at may time na medyo lalaki, ngayon ay parang tuluy-tuloy na ang pagpapapayat niya, huh!

Ang kapatid ni Regine na si Diane Velasquez-de Roque ang inusisa namin tungkol sa timbang ng Asia’s Songbird.

Gaano na ba kalaki ang ibinawas ng timbang ni Regine?!

“Parang from 150lbs to 130lbs na lang po si Ate,” sey ni Diane.

Aba, bongga! Naka-20lbs na pala ang timbang na nabawas sa wifey ni Ogie, huh!

Kahit mahilig magluto si Regine, aba, nagawa niyang makapagpapayat ng 20lbs!

Teka! May pinagha­handaan na rin bang new movie si Regine, kaya lumiit na naman siya?

Hindi naman siguro siya magpapa-sexy if ever, huh!

6 Responses

  1. Si bruhang Kris ang sumira ng relasyon nina Erch at una niyang nobyong Tsinoy. Kahit na alam na may relasyon ang dalawa ay pilit ipinakilala si Daniel kay Erich. Siya ang may gawa at puwede din siya ang sisira. Ganyan si Kris.

    1. Ano naman ang pakialam ni Kris doon? Ang babaw mo naman. Kung talagang love nila ang isa’t isa, hindi iyon masisira nang dahil kay Daniel. Talaga sigurong love lost na ang mag-nobyo.

      1. Pera lang ang habol ng batuggan na si Daniel. Family friend namin ang unang boy friend niyang Tsinoy. Alam mo ba na pati ang nanay at kapatid sa bahay nina Erich nakatira? Mayaman si Erich pero walang utak. Maraming negosyong pinasok na palpak. Paniwalaan mo ako…di magtatagal ang relasyon nila dahil kung si Erich ka-machohan (at sex) ang habol kay Daniel ay pera naman ang habol ng huli.