Erich muntik layasan ang Dos

Hindi naman siguro masyadong kawalan kung biglang maging frozen delight ang career status nitong si Erich Gonzales, hindi ba naman.

Marami kasi ang nagsasabi na umabot na raw sa sukdulan ang pagmamaganda nito at talagang namimili ng project.Sobrang pihikan kung anong role ang kanyang gustong salihan.

How true na lang ng mga inaalok at inalalako sa kanyang proyekto eh wagas na wagas nga ba ang pagtanggi nito lalo na kung mga baguhan at produkto ng mga reality contest ang kanyang mga kasama?

How true na nag-audition ito sa kalabang istasyon para sa isang pangmalakasang programa at kung kanyang nasungkit ang inaasam-asam na proyekto sa network na matatagpuan sa Kamuning.

Handa na nga ba talaga itong mag-say goodbye at good riddance sa Mother Ignacia based network na ginawa siyang istariray at nagka-premium?

Another how true rin nga kaya na dahil ligwak siya sa audition kaya reluctantly, bumalik siya sa kanyang orihinal na tahanan pero yun nga, lahat ng mga ibinibigay sa kanyang mga proyekto, ayaw niya na siya ay support at third angle of a love triangle. Totoo ba na ang demand ni Erich ay dapat siya ang bida at sa katauhan niya umiikot ang kwento?

Kaya, kung sakaling ma-frozen delight ang dalaga, parang hindi naman siya masyadong hahanap-hanapin.

Alden pinagnasaan ang likuran

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Dahil ang diva that you love, “likuran” ang ginamit na salita at patungkol pa ito kay Alden Richards, nangatal na naman ang kalamnan niyo . Inakalang tungkol sa “puwet” niya ito, huh!
Mga bakla, huwag namang ipahalata at isagad ang pangmalakasan niyong pagnanasa na masilayan ang tiyak na soft as a baby’s na ang literal niyang “likod” na in full display sa kanyang post sa Instagram.

Literal na “sexy back” ala-Justin Timberlake. Alam natin na kinarir at pinaghirapan talaga ni Alden na maabot ang katawan niyang pang-romansa sa kasalukuyan . Talagang pwede na ilaban sa hubaran. Kung ito ngang likuran na kanyang ibinuyangyang, marami ang nag-init at may libog na naramdaman paano pa kaya kung sa mga sumusunod na araw, eh in various states of undress ang ipapanukso ni Richard sa ating lahat?

Juice colored! Ano nga kaya magpapictorial ang Alden Richards nating mahal na very pang-Mario Testino Towel series ang drama. Si Testino ay isang super sikat na Peruvian fashion photographer na naging iconic ang kanyang mga black and white photograph na tanging puting tuwalya lamang ang saplot ng mga A-lister male and female supermodels, pati na rin mga Hollywood megastars.
If Alden will pull a fashion stunt na ganito tapos may pa-visible penis line pa at pasilip sa kanyang pubes, ewan ko na lang kung hindi mag-raise to the roof lalo ang init ngayong dry seaso at tiyak marami ang water-water kapag talagang tinodo niya ang pagbuyangyang sa kanyang well-formed body.

Alden, sige na please, pose ka for a fashion spread na tangng tuwalya lamang ang suot, sana nga bimpo na lang. Ang savage! Hahahaha!

Vice kinasuklaman sa paandar

Hindi muna pumapayag si Queen Bayot Vice Ganda na makipag-selfie-han sa mga tagahanga niya . Gusto niyang maging safe rather sorry dahil nga may clear and present danger na hatid ang nakaamba sa ating lahat na COVID-19 virus.

Ang paliwanag niya tungkol sa pagtanggi na makipag -strike a pose and vogue kasama ang mga faney ay: “Pasensya na po talaga sa mga di ko napagbibigyan ng selfie. Sana po talaga ay maunawaan ng lahat ang Social Distancing para sa ngayon.”

May dagdag kuda pa ni Jose Marie: “Social Distancing – Wag muna tayong magdikit -dikit pls. Wala munang yakapan, besohan at magpiktyuran. Pasenya na. Paraan yan para makaiwas tayo pare -pareho sa COVID-19.”

Kahit pa nga nasa katwiran at hulog naman si Ganda, marami pa rin ang suklam na suklam sa paglalambing niyang ito. May mga nanalig na nagsusuplado lang talaga ang bakla . Hindi na talaga nito bet ang mag-posing-posing kasama ang mga faney at ngayon, may excuse na siya lalo para hindi na makasalumuha pa ang mga ito.

May gusto ring makaalam kung kay Ion Perez ba, hindi rin siya nagdudumikit at naglulumandi? Walang skin to skin at body to body contact silang magsing-irog o ang lambing niyang ito ay para sa Little Ponies at panatiko niya lamang? Masakit daw sa kanilang mga damdamin ang pag-aakala ni Jose Marie na sila ang magdudulot ng sakit sa kanya gayong ang nasa lang naman nila ay magpakuha ng larawan? Daig pa raw nila ang salot na kailangan niyang pandirihan.

Sobrang balat sibuyas niyo naman. Huwag niyong bigyan ng ibang kahulugan ang kanyang lambing na tunay namang nasa katwiran at makatarungan.