Erich tsupi, Yam pasok sa KimXi serye

Magbabalik-teleserye na si Yam Concepcion. Matapos ang markadong role niya bilang kabit sa “Halik”, siya ang napisil na pumalit kay E­rich Gonzales.

Kita sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment ang kagalakan ni Yam na mapabilang sa inaaba-ngang teleserye ng mga KimXi fan.

Napabalitang nag-back out na si Erich bilang kon-trabida sa tambalang Kim Chiu at Xian Lim.

Kasama rin sa cast ng bagong Kapamilya teleser-ye sina Christopher De Leon, Eula Valdez, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez at Jennifer Sevilla. (Jun L­opez)