HINDI napigilan ni Erich Gonzales na umiyak sa harap ng movie press dahil sa taas ng ratings ng bago niyang primetime serye na The Blood Sisters.
Sobra ang kaligayahan niya dahil consistent na nakakapasok sa top 5 ng pinakapinapanood na weekday programs sa buong bansa, ayon sa Kantar Media.
Wala pang dalawang linggong umeere ang show na ito pero marami na ang nahu-hook sa kuwento ng tatlong kambal na ginagampanan ni Erich na ngayon ay unti-unti nang pinagtatagpo ang landas.
Kasama rin sa The Blood Sisters sina Enchong Dee, Ejay Falcon, AJ Muhlach, Cherry Pie Picache, Dina Bonnevie, Jestoni Alarcon, Tessie Tomas, Pilar Pilapil, Dante Rivero, Ogie Diaz, Ian De Leon, Maika Rivera, Ruby Ruiz, Pamu Pamorada, Alora Sasam, at Dindi Gallardo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jojo Saguin.
Young actor mukhang tanga
HULAAN BLUES: Guwapo ang young actor na ito pero nagmukhang tanga nang mag-perform sa isang beauty pageant sa isang lungsod.
Matuk mo, instead na mag-serenade siya sa mga kandidata, Mr. Suave ang kinanta niya.
Hindi akma sa event ang piyesa niya. Ang nakakalorky, naghubad pa siya.
Nababoy tuloy ang pageant, huh! Hay naku!
Debut ni Bianca may tribute sa yumaong magulang
NALALAPIT na ang debut party ni Bianca Umali pero naghanda siya ng isang tribute para sa mga yumao niyang magulang. Bata pa lang siya nang maulila kaya lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lola.
Sey ni Bianca, halos tapos na ang preparations para sa kanyang debut at ang pinakaespesyal dito ay ang handog niya para sa kanyang parents. Masaya si Bianca dahil bukod sa nalalapit niyang birthday, patuloy pa rin ang mga manonood sa pagtutok sa Kambal, Karibal.
Kaya nagpapasalamat siya sa mga walang sawang nanonood sa kuwento nila. Inaasahang may espesyal na partisipasyon si Miguel Tanfelix sa kanyang party, kaya abangan natin ‘yan!