Erik at Angeline, matamis ang landian sa party

Angeline Quinto

KAHIT mara­ming nagdududa sa diumano’y relasyon nila, marami pa rin ang kilig-kiligan kina Angeline Quinto at Erik Santos.

Nang um-attend kami sa post birthday party ng isang kaibigan namin, nakita naming sweet-sweet-an sina Erik at Angeline.

Marami ang kinilig sa kanila lalo na nang kumanta na sila.

Nang naki-jamming sila sa band (kasama si Yeng ­Constantino), lalo pang natuwa ang mga bisita.

Ang saya-sayang sumayaw ni Angeline na parang tine-“tease” si Erik, ‘noh?!

Ang iba na nasa party rin na ‘yon, inggit sa ka-sweet-an nina Angeline at Erik sa isa’t isa.

May nagtanong din kung kailan ba sila aamin na mag-sweethearts?

Anyway, before the end of the month, aalis sila pa-New York City para sa ASAP show roon.

May series of shows din sila sa America at Ca­nada na prodyus ni Anna Puno ng Star Media Entertainment, pero babalik pa sila ng ‘Pinas bago sa proyektong ‘yon dahil may ilang commitments pa silang maiiwanan dito.

Eric Santos
Eric Santos

Walang magiging problema si Angeline sa promo ng pelikula nila ni Billy Crawford na That Thing Called Tanga Na ng Regal Entertainment dahil sa Agosto 10 na ang showing no’n at ngayon pa lang ay abala na siya sa kapo-promote.

May fans na nagtatanong kay Erik kung susuportahan ba ng binata ang premiere night ng That Thing Called Ta­nga Na sa Agosto 9 sa SM Megamall?

Hindi kaya ang dapat na tanong ay kung iimbitahan ba ni Angeline si E­rik para maging escort niya sa gabing ‘yon?!

***

Isang French guy ang nali-link ngayon kay Lovi Poe after aminin niya na wala na talaga sila ni Rocco Nacino.

Kahit nali-link siya kay Chris Johnson, wala namang gustong aminin si Lovi.

Good friend lang daw ni Lovi si Chris at bumisita lang ito sa bansa.

Eh, ang mga kaibigan ni Lovi, lalo na si Solenn Heussaff, puro fo­reigners ang dyowa, kaya pala­ging inuusisa ngayon ang da­laga kung type rin ba niyang makapag-asawa ng fo­reigner katulad ng kanyang mga kaibigan?!

Pagdating sa pag-aasawa, mukhang matatagalan pa ‘yon.

Mas gusto ni Lovi na mag-concentrate muna sa kanyang career lalo na at three years uli ang bagong kontrata niya sa GMA 7.

So, malabong sundan kaagad niya ang mga yapak ni Solenn na nagpakasal kamakailan.

***

Sosyal at yayamanin ang isang club sa The Fort Global City na paboritong punta­han ng ilang showbiz celebrities.

Isa sa madalas na makita roon ay ang aktor na ex-boyfriend ng isang sexy actress/singer.

Kung kukuha ka ng table sa club na ‘yon, may gua­ranteed kang babayaran na medyo malaki.

Eh, may image si aktor na hindi galante, kaya ne­ver siyang kumuha ng table.

Paikut-ikot lang siya at tsika-tsika with friends.

Actually, pati ang ibang mga sosyal na mapepera pero may image na kuripot, hindi rin kumukuha ng sariling mesa at nakatayo lang habang nakikipagtsikahan.

Eh si aktor, ma-PR man, hindi mo mababa­litaan na nagse-share ng kanyang blessings at mukhang sa iba’t ibang businesses inilalagay ang kanyang pera.

Kaya kahit nakikitang gumigimik, hindi niya winawaldas ang kanyang pinagkakakitaan, huh!