Hindi uurong sa laban ang kandidata ng BNaked King & Queen na si Erin Smith. Pambato siya ng Angeles, Pampanga.
May dugong banyaga si Erin na pangabog niya sa ibang kalahok.
Anyway, gaganapin ang BNaked (Secrets Revealed) sa The Cove, Okada Manila sa September 23. Candidate No. 5 siya.
Hawak si Erin ng agent na si Fafa Mark.
May sukat siyang 35-25-36. May taas na 5’5”. Mahilig siyang maglaro ng badminton. Kaysarap sigurong pagmasdan habang naglalaro siya ng shuttlecock.
Ang dating actor at mega-producer na si Joed Serrano ang nagprodyus ng year 2 ng BNaked. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Joane Laygo.
Ang tema ng contest ay “Be fit, Be sexy, Be healthy, Be free. BNaked”. Kumbaga, dapat ay alagaan, mahalin at ipagmalaki ang katawan. (Roldan Castro)