Ermat, GF inumbag ng bangag

Dahil sa epekto ng droga, pinagbubugbog ng isang 38-anyos na lalaki ang sariling ina at girlfriend sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial Center ang suspek na si John Joseph Adrin, binata, walang trabaho, ng Brgy. Panapaan 5, Bacoor City, Cavite dahil sa reklamo ng kanyang inang si Ruby Adrin, 61, at girlfriend ng suspek na si ‘Mary Rose’.

Sa ulat ni PSSg. Mark Francis Cortez, ng Bacoor City Police Station, alas-10:45 ng umaga nang tinawagan umano ni Aling Ruby ang girlfriend ng anak at sinabi nitong tila ‘may tama’ na naman at nagsasalitang mag-isa ang kanyang anak.

Narinig ng suspek ang pag-uusap ng dalawa kaya kinompronta nito ang ina hanggang sa inumbag.

Nang dumating ang girlfriend, pinagbalingan din ito ng suspek.
Natigil lamang ito nang dumating ang mga barangay tanod at inaresto ito. (Gene Adsuara)