Karamihan sa mga South Korean celebrities ay tumutulong sa pagsugpo ng novel coronavirus o ncovid-19 . Ito’y sa pamamagitan ng personal nilang pagdu-donate ng pera o in kind.
Isa sa mga unang nagbahagi ng personal niyang tulong ay ang miyembro ng Super Junior na si Eunhyuk.
Nag-donate ito noong January 29 ng 10,000 masks na ipinamahagi sa Korean child and youth welfare facilities. After a month, nag-donate itong muli ng 100 million korean won naman sa Hope Bridge Disaster Relief Association.
Ang kanyang inang may sakit ang isa sa naging dahilan kung bakit daw nandoon ang wish niya na masugpo na ang naturang virus. Ang naibigay niyang donasyon ay makakatulong para mawala na ang virus.
“My mother suffered a lot due to a lung disease last year, so I became even more worried about the coronavirus,” lahad niya.
“I made the decision [to donate] out of hope that more people wouldn’t suffer due to the coronavirus.”
Natuwa rin si Eunhyuk na napakarami nilang celebrities sa South Korea ang talagang nagpamahagi ng personal na donasyon.
“Seeing many stars doing good deeds made me think that if public figures donated and articles were published, good news like this might give strength and hope to those going through a hard time,” lahad niya.
Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga kababayan niya na apektado ng virus.
“To those having a difficult time due to the coronavirus and to those working hard everywhere, please take good care of your health. Hang in there.”