Ermat na naka-e bike binangga, patay

Hindi na naisalba pa ang buhay ng isang 38-anyos na ginang nang banggain ang puwitang bahagi ng kanyang e-bike ng isang motorsiklo sa Kawit, Cavite.

Dead-on-arrival sa Kalayaan Hospital ang biktimang si Alma Barrios, may-asawa, ng Block 12, Lot 36 Rosedale Residence, Brgy. San Sebastian, Kawit, Cavite.

Kinilala ang driver ng Honda Wave 125 (WM 7142) na si Dan Dave Abad, 24, factory worker, ng Block 24 Lot 25 Karla Ville, Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/S/Sgt. Jason Murcia, ng Kawit Municipal Police Station, alas-6:20 kamakalawa nang gabi nang maganap ang insidente.

Habang minamaneho ng biktima ang e-bike nito sa kahabaan ng Kawit-Noveleta Diversion Road, Brgy. Magdalo Putol, Kawit, Cavite nang banggain ng motorsiklo ni Abad ang puwitang bahagi ng E-bike ni Barrios pagsapit sa Centenial Road dahilan upang tumama sa semento ang ulo ng biktima habang nsugatan naman ang suspek. (Gene Adsuara)