Ermat ng singer-actress pinagdamot ang pagkain sa ref

MAY mga dating kasambahay ang pamilya ng isang popular na female personality na nagseserbisyo na ngayon sa ibang mga personalidad.

Maraming kuwento tungkol sa pamilya ng sikat na female personality, lalo na tungkol sa kanyang ina, pero wala silang masabing anumang negatibo tungkol sa female personality.

Kuwento ng aming source, “Napakabait daw talaga nu’ng babaeng personalidad. Palaging nakikipaki sa kanila kapag may kailangan, marespeto raw sa kanila ang girl.

“Kabaligtaran naman ‘yun tungkol sa mommy niya. Totoo kaya ito? Hindi pala sila puwedeng basta kumuha na lang ng food sa ref? Bago raw umalis ang mommy ng girl, e, inilalabas na niya ang puwede lang iluto ng mga kasambahay nila.

“‘Yun lang ang puwede nilang galawin, hindi sila puwedeng kumuha ng kahit ano sa ref, ganu’n daw kahigpit ang mommy niya! Kahit daw ang mga regalo lang ng mga fans niya, hindi puwedeng galawin, may calculator daw sa utak ang mommy niya tungkol sa mga food na nasa ref,” unang kuwento ng aming impormante.

Maraming nagreregalo ng mga pagkain sa pamosong singer-actress, pero hindi naman pala niya ‘yun puwedeng kainin, maraming ipinagbabawal sa kanya ang nanay niya.

Balik-kuwento ng aming source, “Kahit pala cake lang, e, hindi siya puwedeng kumain nang basta-basta lang? Para siya makakain ng cake, e, tinitingnan muna ng mommy niya ang schedule book niya.

“Kapag may show siya the next day, goodbye, cake! Makasisira raw kasi sa boses niya ‘yun! Kung wala siyang shows sa mga susunod na araw, okey lang, nakakakain siya.

“Makukuha na raw ‘yun sa flushing, iinom lang siya nang iinom, para hindi makaapekto sa voice niya ang matatamis na pagkain. Nakakaloka siya, ha?

“Pagdamutan ba ng biyaya ang taong naging dahilan kung bakit sila yumaman? Cake lang, ipinagdadamot pa, paano pa ang mga chocolates na ibinibigay ng mga fans niya sa iba-ibang bansa kapag nagso-show siya?

“Bawal ang cake, bawal ang ice-cream, bawal ang mani, bawal ang tsokolate, bawal mabuhay ang girl!” natatawang pagtatapos ng aming impormante.

Alden walang pinahirapan sa airport

IKASAMPUNG taong anibersaryo ngayong 2020 ni Alden Richards bilang artista. Napakatagal niya ring naghintay bago siya naging prized possession ng kanyang network.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Pambansang Bae na ganito na siya kasikat, hindi siya alarmado sa laki na ng kanyang pangalan, puro pasasalamat lang ang sinasabi niya.

Maganda ‘yun, kaya hindi rin siya naaapektuhan, lahat ng mga nakakatrabaho niya ay nagsasabing nakatapak pa rin sa lupa ang kanyang mga paa.

Sabi ng isang kakuwentuhan namin, “Palagi siyang nakangiti. Walang panahon na nakita ko si Alden na nakasimangot. Napaka-positive ng aura niya. May mga pinsan ako, nakasabay niya sa flight, tuwang-tuwa dahil hindi sila nahirapang magpa-picture kay Alden.

“May mga karanasan na kasi sila in the past na nangyari rin sa airport, hindi sila nakapagpa-picture dahil dinededma sila ng mga artista!

“Kaya in their book, e, si Alden ang the best! Ang pinakamabait, ang pinaka-humble, ang pinaka-appreciative, kasi nga, e, naging nice sa kanila,” tuwang-tuwang kuwento ng aming kaibigan.

Apat na buwan pa mula ngayon, pero pinaghahandaan na ng Asia’s Multimedia Star ang kanyang concert sa Araneta Coliseum, parang nakikita na naming punumpuno ang Big Dome sa July 25 nang gabi.

Ipinalalabas na ngayon ang kanyang TVC na kasama si Nadine Lustre, pinagpipistahan ng publiko ang kanyang 6-pack abs, matagal na panahong pinaghirapan ‘yun ni Alden.

May isa pa siyang ginawang TVC na kasama naman si Bea Alonzo, sa ibang bansa pa ginawa ang kanilang shoot, sabik na sabik na ang kanyang mga tagasuporta para mapanood ‘yun.

Isa lang ang sinabi ng kaibigan naming propesor, “Pinagpapala talaga ang mga taong walang yabang sa katawan. Sinusuwerte talaga ang mga taong marunong lumingon sa kanilang pinagmulan at marunong magpasalamat.”
Mismo!