Ermat ni sports reporter pasaway sa ECQ arestado

PUMALAG si Ceej Tangtengco matapos na arestuhin ang kanyang nanay dahil ‘pasaway’ daw ito sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa NCAA courtside reporter, hinuli umano ang kanyang ina matapos itong magreklamo sa pag-aayos ng dagsa ng tao sa isang market.

“My mom has followed all ECQ measures and is your average law-abiding tita. She wasn’t calling to lift ECQ, just raising concerns about specific policies at the market. Suddenly she’s “pasaway?” giit ni Tangtengco.

“Ganoon kayong ka-averse sa feedback? Instead of engaging your citizens, arrest agad?”

Nagpasalamat naman si Ceej dahil nakauwi din ang kanyang ina ng ligtas.