Eroplano, yate at 30 bus, nakalaan para sa Miss U

Chavit Singson

NILINAW ni Luis ‘Chavit’ Singson na hindi siya sponsor kundi supporter lang ng Miss Universe, na 80% sure pa lang daw na sa Pilipinas gaganapin sa Enero 30, 2017.

Ipinahayag ito ni Chavit kamakalawa nang gabi sa kanyang get-together with the showbiz press sa kanyang bahay sa Corinthian Gardens.

Ani Chavit, kung kani-kanino inilapit ang susunod na pa­timpalak ng Miss U kung saan $12M ang budget, pero walang tumanggap.

Kaya siya na lang ang guarantor ng $12M budget, at saka sila naghanap ng sponsors mula sa pribadong sektor.

Ipauubaya ni Singson­ kay Ms. Wanda Teo ng Department of Tourism ang opisyal na announcement ng mga bagay-bagay.

Ang kay Chavit ay pagtulong lang sa abot ng kanyang makakaya, bilang pagsuporta kay Presidente Duterte at sa turismo ng ating bansa.

Nauna nang ilathala rito sa Abante TONITE ang mega yacht (made in Italy) na gagamitin ng Miss Universe candidates.

miss-universe-bus-001Heto naman ang 148-seater airplane (7878 Boeing) na gagamitin din ng mga kalahok.
Handa na rin ang 30 bus para sa Miss U.

Kasama pala si Pia Wurtzbach sa pakiki­pag-meeting ng Miss Universe organizers kay Chavit.
Siempre pa, hanga si Chavit sa ganda ni Pia.

Inamin nang dating governor na natuwa si Pia na kokoronahan ng dalaga ang successor nito sa ating bansa.