Iniisip pa lang, naiirita na si LaVar Ball, madaldal na tatay ni Los Angeles La­kers sophomore guard Lonzo Ball, na makitang naglalaro kasama ng kanyang anak si ­Anthony Davis.

“They got enough,” bungad ni LaVar sa panayam ng TMZ Sports sa tanong kung ayos lang ba sa kanya na ma-trade patu­ngong Lakers si Davis mula sa New Orleans Pelicans.

Nitong mga nagdaang araw ay hindi na naitago ni LeBron James ang excitement sa idea na makasama sa isang team ang mobile big man na si Davis.

Pero kontra ni LaVar, hindi na kaila­ngan ng Los Angeles ng panibagong higante dahil ayos na para sa kanya ang lineup ng Lakers.

Starting center ng Los Angeles si Javale McGee katuwang si Tyson Chandler, Ivica Zubac, Kyle Kuzma, Brandon Ingram at mismong si LeBron.