Agaw-buhay ngayon ang isang tatay nang tarakan ito sa dibdib ng grade 11 student nitong anak habang nagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa San Pablo City, Laguna Miyerkules ng gabi.
Nilalapatan pa ng lunas sa PPL Hospital ang biktimang si Rodney Laroza dahil sa mga tamang tinamo sa dibdib at braso.
Kinilala naman ang suspek na si Macarius, 20 anyos, na ika-11th grade.
Batay sa report ng San Pablo City police, nasa loob ng kwarto ng biktima ang mag-ama sa kanilang bahay sa Barangay Concepcion nang magtalo ang mga ito dahil sa kanilang personal na problema.
Sa kasagsagan ng pagtatalo, nagbunot ng baril ang anak at sunod-sunod na ipinutok sa kanyang tatay.
Agad na isinugod sa ospital ang biktima samantalang naaresto naman ng mga nagrespondeng pulis ang suspek.
Nakakulong ito ngayon sa custoddial facility ng San Pablo City police at sasampahan ng kasong frustrated parricide. (Ronilo Dagos)