Erram 2 week rest sa napilay na braso

Nakumpirma nang inabot ng collateral ligament sprain sa kaliwang braso si NLEX big man Poy Erram.

Dalawang linggong mawawala ang defense specialist, napilipit ang braso nang magkabuhol sila ni Dave Marcelo ng Phoenix sa bukana ng second quarter ng 123-116 win ng Road Warriors.

Dalawang linggong ipapahinga ni Erram ang injury, kagandahan ay ‘di mas malala ang inabot. Therapy at pahinga lang ang kailangan.

“He has to undergo therapy. One week on a sling, ani coach Yeng Guiao. “Collateral ligament sprain, no fractures or dislocation. At least two weeks before he can play.”

Sunod na laro ng NLEX sa PBA Governors Cup sa Biyernes kontra Meralco Bolts sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawang rebounds pa lang ang kinakalawit ni Erram, ‘di pa nga nag-a-attempt sa basket sa halos 5 ½ minutes lang sa loob nang ilabas tapos ang insidente.

Habang wala si Erram, aasa muna si Guiao kina veteran Asi Taulava, Michael Miranda at Raul Soyud para ayudahan sa loob si import Olu Ashaolu. (VE)