Tatanggap sina rising big men Poy Erram at Vic Manuel ng traditional awards sa 25th anniversary ng PBA Press Corps (PBAPC) Awards Night sa Jan. 21 sa Novotel Manila-Araneta Center.
Defensive Player of the Year si 6-foot-8 Erram, ang ‘Muscleman’ na si Manuel ang Mr. Quality Minutes sa affair na hatid ng Cignal TV.
Leading shot blocker ng nakaraang season si Erram sa average na 1.9 per game habang nasa Blackwater pa. No. 1 siya sa locals sa blocks sa Philippine at Commissioner’s Cups, third sa Governors Cup. Nasa NLEX na si Erram.
Ang pinagmamalaki ng Licab, Nueva Ecija na si 6-foot-4 Manuel, off the bench sa 50 games niya sa Alaska at nag-average ng 16.0 points, 4.8 rebounds.
Sa unang pagkakataon, pararangalan ng PBAPC ang PBA D-League Finals MVP ng 2018. Si CJ Perez ng Zarks-LPU Jawbreakers ang winner sa Aspirants Cup, si Gab Banal ng Go for Gold sa Foundation Cup. Top pick overall ng Columbian Dyip si Perez noong nakaraang buwan.
Iba pang awardees sina Stanley Pringle (Scoring Champion), Chris Tiu (Breakout Player of the Season), Ginebra-Rain or Shine triple overtime (Game of the Season), June Mar Fajardo, Paul Lee at Manuel (Order of Merit), Jason Perkins, Christian Standhardinger, Paul Zamar, Robbie Herndon at Jeron Teng (All-Rookie Team) at iba pa.