Idineklarang persona non grata ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI) ang brodkaster na si Erwin Tulfo kasunod nang ginawa nitong pambabastos at pagmumura kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rolando Bautista nang hindi ito pumayag sa isang panayam sa radio.
Sa lumabas na board resolution ng asosasyon, hindi na maaaring magpunta si Erwin sa anumang aktibidad o pagtitipon ng PMAAAI at iba pang affiliate organizations nito.
Nag-ugat ang isyu sa ginawang pagmumura at pang-iinsulto ni Erwin kay Bautista sa kanyang programa Tutok Tulfo sa isang government station noong Mayo 30, 2019 matapos hindi magpaunlak ng panayam sa kanya ang opisyal na hindi nagustuhan ng mga mistah nito sa PMA.
Si Bautista ay miyembro ng PMA Class ‘85 at dating commanding general ng Philippine Army.
“Now therefore be it resolved as it is hereby resolved tha the Board of Directors declares as it hereby declares Mr. Erwin Tulfo as persona non grata by the Philippine Military Academy Alumni Association Inc (PMAAAI),” nakasaad pa sa nasabing Board Resolution No. 19-15 na nilagdaan nina Chairman at CEO, retired Major General Rufo De Veyra, at president and Chief Operating Officer, Police Colonel Arthur Bisnar.
Anila, gumamit ng derogatory language ang brodkaster na isang paglabag sa Broadcast Code ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at sa Journalist’s Code of Ethicss ng National Press Club (NPC).
Nauna nang tinanggal ng mga police escort si Tulfo gayundin ang mga kapatid nitong sina Ramon, Ben at mag-asawang Raffy at Jocelyn bunsod ng nasabing kontrobersya.
Humingi na rin ng sorry si Erwin kay Bautista na bagama’t tinanggap ng opisyal ay sinamahan ng mga kondisyon na hanggang sa kasalukuyan ay hindi sinasagot ni Erwin kung saan ilang din ang pagbibigay ng P300,000
kontribusyon sa 19 organisasyon na kinaaaniban nito, paghingi ng sorry sa radio, telebisyon at radio na inaasahang aabot ang halaga ng P10 milyon.
Nauna na rin idineklarang persona non grata si Erwin Tulfo sa Dapitan City, Zamboanga del Norte dahil sa ginawa nitong panghahamak sa lugar noong panahon ng kampanya.