Natutuwa tayo sa naging­ aksyon ng ilang eskuwelahan sa Metro­ Manila sa pangunguna ng Ateneo de Manila sa Katipunan na nakipagtulungan sa Metropolitan­ Manila Development Authority (MMDA) para­ mapagaan ang daloy ng trapiko sa lugar kung saan sila naroroon.

Malaki ang naitulong ng kooperasyong ginawa ng Ateneo de Manila­ na nagtalaga ng mga school service sa ilang pick-up point upang mabawasan­ ang dami ng mga sasakyang­ naghahatid sa mga estudyante sa bisinidad­ ng eskuwelahan.

Lumuwag, ayon nga sa MMDA, ang daloy ng trapiko sa Katipunan ­dahil sa inisyatibong ito ng Ateneo.

Kaya dapat ay magpatupad ng ganito ring pagpaplano ang iba pang ­pangasiwaan ng mga ­eskuwelahan sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan ay isa rin sa pangunahing sanhi­ ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang mga eskuwelahan. Mapa-private at pampublikong mga eskuwelahan ay nagdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa naghambalang na mga school ­service at mga pribadong sasakyang sumusundo sa mga estudyante.

Isa sa inirereklamon­g eskuwelahan ay ang ­Sacred Heart of Novaliches­ na nasa kanto­ ng Zabarte Road at ­Quirino Highway sa ­Quezon City.

Matinding trapiko­ raw ang idinudulot ng eskuwelahang ito sa mga motoristang nagda­daan sa nasabing lugar. ­Kalbaryo raw ang kanilang pinagdadaanan dahil sa mga ­pasaway na mga sumusundo sa mga mag-aaral sa nasabing paaralan.

Mayroon naman daw paradahan ang eskuwelahan na maaaring gamitin pero ipinagtataka ng mga motoristang apektado ng matinding trapiko sa lugar ay kung bakit hindi ito maayos ng pamunuan ng eskuwelahan.

Hindi naman daw maliit na eskuwelahan­ ang Sacred Heart dahil libong eskuwelahan­ ang nag-aaral dito kaya­ may kakayahan itong mag-empleyo o makipag-ugnayan­ sa mga kinauukulan upang magkaroon ng sapat nilang mga tauhang tutulong sa pagma­mantine ng daloy ng ­trapiko sa lugar.

Makikipag-ugnayan­ ang pitak na ito sa tanggapan ni Quezon City Mayo­r Herbert Bautista­ at kay Barangay­ Kaligayahan­ Chairman Freddy Roxa­s para maaksyunan ang dagdag problemang ­idinudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bahaging­ ito ng Quezon City.