KAILANGAN mo ng pera?

Gusto mo ng tumataginting na P100,000 pang-grocery at panggastos sa balik-eskuwela?

Mag-subscribe sa YouTube channel ng maybahay ni WBA welterweight champion Manny Pacquiao na si Jinkee.

Isa na sa mga pinakamayayaman sa Pilipinas ang pamilya ni Pacquiao dahil marami na silang mga mansiyon at ari-arian sa dito at sa abroad kaya naman ugali na ng mag-asawa ang mag-share ng kanilang blessings.

Lima ang anak ng mag-asawa kabilang sina Jimuel, Micheal, Israel, Queenie at Mary Divine Grace.

Ang panganay nilang si Jimuel nalilinya na rin sa pagboboksing katulad ng kanyang amang natataing eight-division titlist sa mundo.

Dating Vice Governor Sarangani si Jinkee subalit ngayon ay tutok muna bilang maybahay at ina sa mga anak nila ni Manny. (Ferdz delos Santos)