Espanto bagong ‘baby’ ni Rhea Tan

Idineklara na ng CEO at President ng Beautederm na si Rhea Anicoche Tan na bagong endorser niya si Darren Espanto. Sey ni Ma’am Rei: “The youngest Beautederm Ambassador. Nadagdagan ang mga anak ko.”

Kumuha si Ma’am Rei ng singer na effective mag-promote at magbigay saya sa mga event ng kompanya. Posibleng kantahin na rin ni Darren ang theme song ng naturang produkto.

Samantala, road to 200 na ang stores ng Beautederm. Ngayong Linggo (February 2) ay grand opening ng Skinfrolic by Beautederm Ayala Malls Manila Bay, Parañaque City. Ito ay pangalawang store ng mag-asawang Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens.

Dadalo ang mga ambassador at magpe-perform sa activity center sina Carlo Aquino, Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Sylvia Sanchez, Ejay Falcon, Alex Castro, Sherilyn Reyes-Tan, Maricel Morales, Jestoni Alarcon, Hashtag Ryle, Anne Feo, Alma Concepcion, Kitkat, Alynna Velasquez, Dessa, Faith Cuneta.

“Masaya ako dahil ‘di ko namamalayan na parami nang parami ang branches,” sambit niya.

May sikreto ba siya sa lumalagong negosyo?

“Wala naman. Hands on kasi ako. Ako po mismo marketing ng business,” pakli ni Ma’am Rei. (Roldan Castro)