Espejo inspirasyon ng marami — Almadro

Sa dami ng magaga­ling na balibolista sa ‘Pinas, hindi na nakapagtataka kung sakupin na rin ng mga Pinoy ang international volleyball scene.

Ayon ito kay dating Ateneo men’s volleyball Coach Oliver Almadro nang ianunsiyo ang pagkuha kay five-time UAAP MVP Marck Espejo ng Oita Miyoshi Weisse Adler, isang top Japanese volleyball club.

“With that stint kasi, nagiging instrument pa siya ng youth to aim higher, hindi lang pala matatapos sa UAAP, hindi lang pala matatapos sa pro league. Meron pala tayong chance na maglaro abroad,” ayon kay bagong Lady Eagles Coach Almadro.

Ang 21-anyos na si Espejo ang ikalawang Pinoy na sasabak sa international stage maliban kay three-time UAAP MVP Alyssa Valdez na naka­paglaro na rin overseas sa Thailand at Chinese Taipei.