Nakahanda ang Malacañang na bigyan ng seguridad si Pol. Lt. Col. Jovie Espenido para sa kanyang kaligtasan kung hihilingin ito ng opisyal.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kasunod ng naging pahayag ni Espenido na nangangamba ito sa kanyang kaligtasan dahil posibleng itumba siya ng mga kapwa niya pulis.
Sinabi ni Panelo na hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na masaktan o madisgrasya ang sinuman at kung nais ni Espenido ng proteksiyon sa kanyang seguridad ay maaari nitong hilingin gaya ng ibang mamamayan.
“The President will not allow anyone to be hurt or to be harmed outside of what is allowed by law – outside of legal processes or methods sanction by law. If Col. Espenido would want to ask for any protective measure from the government, then he can so request just like any other citizen,” ani Panelo. (Aileen Taliping)