Hindi kokontrahin ng Malacañang ang hakbang ng Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan si Pol. Lt. Col. Jovie Espenido kahit pa mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing malinis ang opisyal at hindi sangkot sa iligal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang makakakapagpabago lamang sa paniniwala ng Pangulo kaugnay sa mga iniaakusa kay Espenido ay kung may makakapagpakita sa kanya ng ebidensiya na sangkot ito sa iligal na droga.
“Sabi ni Presidente marami siyang resources, ibig sabihin may sarili siyang independent investigation on the matter. Palaging ganyan si Presidente, ang kanyang posisyon on the basis of circumstances, or info, intelligence info, info given to him. But if those circumstances changed, then this early, he will have to change his position,” ani Panelo.
Binigyang-diin ni Panelo na maraming resources si Pangulong Duterte sa mga impormasyon at hindi malayong na-validate niya ang pangalan ni Espinido kaya sinabi nitong black propaganda ito sa opisyal. (Aileen Taliping)