Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nestor Espenilla Jr. bilang bagong Governor ng Bangko ­Sentral ng Pilipinas (BSP).

Papalitan ni Espenilla si Armando Tetangco na magtatapos ang anim na taong termino sa Hulyo.

Si Espenilla ay nagsilbing deputy governor ng BSP sa loob ng anim na taon.

Ang anunsyo sa appointment ni Espenilla ­bilang bagong BSP governor ay ginawa ni ­Pangulong Duterte sa 15th cabinet meeting kahapon sa ­Malacañang.

Maliban kay Espenilla ay ini-appoint din ­kahapon ng Pangulo si dating General Roy Cimatu bilang ­kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).