Kasong estafa ang isinampa ng isang pulis kontra sa ahente ng sibuyas na hinuli sa loob ng sabungan sa Cabanatuan noong Miyerkules ng gabi.
Sa ulat ni P/Supt. Angel Bondoc, dakong alas-10:20 ng gabi nang dalhin sa himpilan ng pulisya ni PO3 Rommel Vijandre Ramos 41, residente ng Brgy. Tugatog, Bongabon, si Charlie Evangelista Blanca, 41, residente ng Brgy. Vega, Bongabon.
Nabatid na dakong alas-kuwatro ng hapon nang magsumbong si Marina Destor Almoguerra, 56, ahente ng sibuyas at residente ng Brgy. Sapang Buho rito, na ang ipinagkatiwalang P103, 000 kay Blanca ay ipinupusta sa sabong.
Agarang pinuntahan ang suspek sa Munti Cockpit Arena sa bayan ng Talavera at inabutan na meron na lang hawak na P16,000.
Sinampahan ng kasong qualified theft at estafa ang suspek.