Muling pinangunahan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang malawakang paglilinis at clearing operation sa Estero de Magdalena sanhi ng walang pakundangang pagtatapon ng basura ng mga residente sa mga barangay na dinadaluyan ng nasabing estero nitong Huwebes.

Kamakailan lamang, nakatuon ang atensiyon ng PRRC sa paglilinis ng Estero de Magdalena.

Mula Nobyembre 2015 hanggang Hul­yo 3 2018, naihatag ng PRRC sa 1,049 informal settler families (ISFs) mula sa target na 2,015 sa iba’t ibang relocation site sa Bulacan at Cavite upang masimulan na ang konstruksiyon ng P17 milyong Estero de Magdalena linear park development.

Ngunit hindi pa rin ito pinangalagaan ng mga pamilyang nakatira malapit sa estero dahil sa ulat na may nagsipagtayuang kabahayan muli sa Estero de Magdalena kaya nagbabala na si PRRC Executive Director Jose Antonio ‘Ka Pepeton’ E. Goitia sa mga barangay official at local government unit.

“This morning I ordered all efforts of PRRC to be concentrated again in Estero de Magdalena. Please, kung ‘di kaya hayaan na lang kami ang gumawa ng paglilinis at relocation. To all the LGU’s responsible we will file all the cases against you. Puro kayo pangako sa confe­rence,” sabi ni Goitia.