Estudyante nagbaon ng tsongki, huli

Inaresto ng Cavite Police ang isang 18-anyos na estud­yante matapos itong mahulihan ng pinatu­yong marijuana sa harapan ng eskuwelahan sa Silang, Cavite.

Hawak ngayon ng Silang Police Station ang suspek na si Christian John Obsid alias G-boy, ng Purok 3, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Marcelino Fuller, ng Silang MPS, alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng foot patrol sina SPO2 Louie Sanches at PO2 Marc Pecundo kapwa nakatalaga sa Silang MPS sa harapan ng Lumi National High School sa Bgry. Lumi, Silang, Cavite nang mapansin ang kakaibang kilos ng suspek.

Bunga noo’y kinapkapan ito hanggang sa makuha sa kanyang pag-iingat ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatu­yong marijuana.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampang kaso laban sa suspek.