Ethel gustong ituloy ang pekeng Twitter account

NI: VINIA VIVAR

Ang dami pa ring nanghihinayang sa fake account ni Ethel Booba sa Twitter na ilang taon na ngang inakala ng mga netizen na kanya until she revealed recently na hindi pala siya talaga yun.

For how many years kasi ay kinaaliwan ng mga tao at ng kanyang 1.6 followers ang Twitter account na @IAmEthylGabison na matapos niyang sabihing hindi kanya ay nawala pansamantala sa Twitter.

Ang daming nag-unfollow sa nasabing account pero ngayong nabalik na ulit ito sa Twitter ay mabilis agad itong nakahakot ng followers at ngayon ay nasa 1.2M na ulit. Nakatulong din marahil ng malaki ang pagsasalita niya ng kanyang side recently.

Ang genuine account ni Ethel ay may 2,000 followers lang compared sa 1.2M ng fake account.

Kaya sey nga ng isang netizen kay Ethel, sana raw ay hindi na lang niya itinatwa ang fake account at sinabi na lang niya sanang na-hack at i-take over ang account para kanya pa rin ang 1.6M folllowers.

“Dapat kasi nag reklamo ka sa twitter tapos sabihin mo na hack account mo. Tapos nag apologize ka dun di sana meron ka 1.6m pa rin na followers,” payo ng netizen.

Sagot ni Ethel, ‘yan din daw ang ipinayo ng administrator ng fake account sa kanya pero aniya ay ayaw niya raw ng ganu’n.

“Yan din ang msg ng admin na nakarating sakin sabihin na lang daw na hack pero gusto ko na lang matigil lahat. Di ko ugali ang manira o magsimula ng kahit ano man kung nadisappoint ko man kayo. My bad Pray na lang natin na matapos na tong kinakaharap natin,” sagot ng komedyana.

Komento naman ng isa pang netizen, wrong move raw ang ginawa ni Ethel na i-reveal na hindi sa kanya ang account dahil sumikat siya dahil dito.

“Nagka career ka dahil sa account na un. naging interesting ka ulit dahil sa career na un. pinagkakitaan mo un ng napaka tagal. sa tingin mo ba magkakainterest ang tao ulit sa yo after nalaman nila na ikaw pala ay totoong booba. wrong move.”

Sagot ni Ethel, “wrong move ba ay di ako nainform Yung pati anak ko nadadamay sa kagagawan nya sorry ha.”

Para sa komedyana, mas okay na itong alam na ng tao na hindi siya yun.

“Atleast now masasabi nya na lahat ng gusto nya sabihin na di na nadadawit ang pangalan ko. Batikusin nya na lahat ng gusto nya. Happy,” tweet pa ni Ethel.

Gayunpaman walang balak si Ethel na i-report at masuspendi, mabura ang nasabing pekeng Twitter account.