Ethel dismayado sa KikSilog ng SEA Games

Viral ang tweet ni Ethel Booba tungkol sa controversial na KikSilog breakfast mga atleta sa SEA Games 2019 na gaganapin dito sa ating bansa.

Apparently, hindi rin kinaya ng komedyana ang kikiam na ipinaalmusal sa mga atleta. Ipinost niya ang larawan ng kotrobersyal na KikSilog breakfast at sa caption ay may matindi siyang pahayag although binakla niya naman sa ending.

“Awit sa KikSiLog. C Games dapat hindi Sea Games. C for Corruption. Charot!” ang tweet ni Ethel.

As we write, ang nasabing post ay mayroon nang 3,900 retweets at more than 20,000 likes.

Actually, isa lang si Ethel sa mga celebrities na nagpahayag ng pagkadismaya sa ilang mga problemang nagagaganap sa Sea Games 2019 sa pagdating pa lang ng mga atleta. Binabatikos nila ang gobyerno sa hindi maayos na pag-handle ng napakalaking event na ito na diumano ay pinaglaanan ng napakalaking budget.

Wendell tinakwil ang ABS-CBN

Nagsalita na nang tapos si Wendell Ramos na hindi na siya babalik sa ABS-CBN at magi-stay na lang daw siya sa GMA-7.

Huling drama series ni Wendell sa ABS-CBN ang “Wildflower” na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Nagsimula siyang bumalik sa GMA last year at nabigyan ng seryeng “Onanay” at pagkatapos ay nasundan ng “Prima Donnas” na kasalukuyang umeere ngayon.

Sey niya nang makapanayam namin siya recently, hindi na raw siya aalis pa sa GMA-7.

“Syempre babalik ka pa rin sa sinimulan mo. I started here and I’m so glad and thankful dahil napakabait pa rin ng GMA-7 na pagkatiwalaan ako. Hindi lang ako basta binigyan ng trabaho kungdi para bigyan din ako ng trabaho na malaking responsibility which is ‘yung “Onanay”.

“And then, eto na naman, Prima Donnas, so saan ka pa ba pupunta? Eh di ‘wag mo nang iwan itong pamilya mo,” ani Wendell.

Wala pa raw naman siyang exclusive contract sa GMA at wala namang kaso ito sa kanya ke may kontrata o wala.

What if mag-offer muli ang ABS-CBN sa kanya?

“Okay na ako, masaya na ako rito. Sobrang saya na ako rito. Kung baga, done na ako, okay naman sila, friends ko rin naman sila, wala rin akong masabi sa ABS-CBN sa pagbibigay nila ng break sa akin at sa TV-5, pero, for sure, maiintindihan nila kung bakit nag-stay na rin ako (sa GMA-7),” saad pa ng aktor.

Ken excited magdekorasyon sa Kapaskuhan

Masaya si Ken Chan na sa unang pagkakataon ay nabigyan siya ng oportunidad na kumanta ng theme song ng GMA Christmas Station ID.

Ilang taon na rin naman ang aktor sa Kapuso network at lagi raw niyang nilu-look forward talaga taon-taon ang GMA Christmas Station ID.

“Happy ako na makasama dito kasi laging kong nilu-look forward ‘yung gagawin ng GMA every time na may Christmas Station ID shoot. Pati na rin yung theme song na kinakanta namin,” ani Ken sa panayam with GMANetwork.com.

“Happy ako kasi nakasama ako at si Rita [Daniela] sa kakanta ng theme song ngayong year.

“Si Rita kasi, lagi siyang kasama sa mag kumakanta ng theme song. Ako, first time ko pa lang so isang malaking karangalan ito para sa akin,” dagdag pa niya.

At hindi lang daw ang GMA-7 Christmas Station ID ang nilu-look forward niya taon-taon kungdi maging ang Kapaskuhan mismo talaga kabilang na ang pagse-set-up ng Christmas tree.

“Sa totoo lang, nilu-look forward ko yung pag-ayos ng Christmas tree.

“Ako kasi ‘yung laging nag-iisip ng theme kung anong gagawin, so ‘pag Christmas excited ako sa kung anong gagawin naming Christmas tree sa bahay at kung anong kulay at decorations.

“Bukod du’n, looking forward rin ako sa mga bata na puwede naming pasiyahin ngayong Pasko, na biibigyan namin ng laruan.

“Looking forward kami doon sa pagbigay saya sa mga batang may sakit, street children, o kaya batang may cancer,” pahayag ni Ken sa panayam.