NI: Rona Ronda

Ikinagulat ng mga netizen ang pagtakwil ni Ethel Booba sa Twitter na nakapangalan sa kanya. Peke umano ang Twitter account na @IamEthylGabison na mayroong 1.6 million followers.

Kinaaaliwan pa naman ng mga netizen ang mga witty at kontrobersyal nitong mga tweet tungkol sa mga politiko. Sa isa mga video ni Ethel sa kanyang vlog, may netizen na nagtanong tungkol sa isyu. Nagkomento rin siya at sinabing pinagkakakitaan umano ang pangalan niya.

Aniya, “Profited yan ang sinasabi ko. Di kayo ang niloko ng fake account na yan pati ako ginagamit.”

Hindi naman umano siya kumikita sa mga ito at sumobra na umano ang panggagamit sa kanya. Dagdag pa niya, “Wala ako pinagkakitaan kahit sino sa inyo. “Sumobra na lang ang panggagamit niya pati current situation na meron tayo ginagawa niyang biro at ako ang nadadamay.”

Sinabi rin ni Ethel na gagawa siya ng video o vlog tungkol dito ay ilalantad niya kung sino at paano nagsimula.

Marami ang nawindang sa bagong pakulo ni Ethel.