Ethel pinaglaruan ang COC nina Bong, Jinggoy, Enrile

Trending ang mga komento ni Ethel Booba sa kanyang social media account hinggil sa mga politikong tatakbo ngayong 2019 elections.

Tulad na lang si dating senador/aktor Bong Revilla na tatakbong muli sa Senado.

Ang asawang si Bacoor Ma­yor Lani Mercado ang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections nu’ng October 17. Naka-detain pa rin kasi si Bong sa Camp Crame dahil sa kasong plunder.

Ani Ethel sa kanyang Twitter account: “Kuha po kayo ng NBI Clearance sa counter 6. Charot!”

Maraming netizen ang agree sa tinuran ng komedyana.

Hindi rin nakaligtas kay Ethel ang sinabi ni Jinggoy Estrada sa kapatid nitong si JV Ejercito.

Nag-file rin si Jinggoy sa pagka-senador. Sa interbyu sinabi ni Jinggoy: “We are not in spea­king terms actually.
Kung ako masusunod gusto ko dalawa kami manalo sa senado. #Halalan2019

“Kung ako masusunod kahit wag ka na. Charot!” biro ng komedyanta.

Komento naman niya sa COC ni former Senator Juan Ponce Enrile na nagpiyansa dahil sa kanyang poor health condition, “sa edad 94 dapat nagpapa­hinga ka na at i-enjoy ang buhay bilang ‘businesswoman’ (ayon sa COC form ni Enrile).” Charot!

Nilagay kasi ni Enrile sa COC form na siya ay “businesswo­man”.

Advice nga ni Ethel sa mga boboto: “Politics is not a popularity contest.”

May nagtanong namang netizen sa komedyana, kung tatakbo raw siya sa eleksiyon?

“Politics is not for me. Ibigay natin yan sa tunay na may alam. Ma­dami dyan karapat-dapat kaya dapat maging mabusisi ngayon sa pagpili ng iboboto. Hindi popularity contest ang politika. Charot!”

Dugtong pa ni Ethel: “Hindi naman ito Clash of Clans kung saan pipili ka sa Marcos o Aquino. Piliin mo ang bansa mo at hindi ang apil­yido ng politiko. Charot!”