Willing si Ethel Booba na bigyan ng share ang administrator ng kanyang parody Twitter account sa kinita ng kanyang librong Charotism #CHAROTISM the wit and wisdom of Ethel Booba.

It was revealed only recently na ang administrator din ng parody account ang gumawa ng nasabing libro. Kaya naman may netizen na nagpayo kay Ethel na bigyan naman niya ng parte ng kita ng libro ang totoong sumulat.

“Pakilala mo sakin dali di ako madamot baka kilala mo ako mismo mag aabot sa kanya,” sagot ni Ethel.

Isang netizen naman ang pinaratangan siyang oportunista dahil dapat daw noon pa ay sinabi na ni Ethel na hindi sa kanya ang Twitter account na @IamEthylGabison.

“Opportunista ka rin. Kung may integridad ka talaga dapat una pa lang sinabi mo nang hindi ikaw yun. Nanggamit ka rin eh,” komento ng netizen kay Ethel.

Sagot naman ng komedyana ay tao lang siya na nagkakamali at inayos naman daw niya ang pagkakamaling ginawa niya. Humingi rin siya ng sorry kung may na-dissapoint.

“Pero atleast nagsasabi ako ng totoo. Di ko kailangan ng kasikatan kung pagkatao ko naman ang niyuyurakan. O di ba im free,” sagot pa ni Ethel.

Kyle,Francine buking na walang romansa

Hindi lumusot ang prank call ni Kyle Echarri kay Francine Diaz dahil nahalata ito agad ng young actress.

Sa latest episode ng KalokoVan (dahil sa van ito kinukunan) vlog ni Robi Domingo ay guest niya si Kyle at sa bandang dulo ay pinagawan siyan ng challenge na i-prank call si Francine at sabihin sa ka-loveteam na nahuhulog na siya rito.

Tinawagan nga ni Kyle si Francine na kasalukuyang nasa bahay at nanonood ng TV. Nang sabihin ng una na may sasabihin siya, sagot agad ng young actress, “hoy, prank call ba ‘to?”

Pero itinaggi ito ni Kyle at nagpatuloy ang kanilang usapan.

“Are you by yourself?” tanong ni Kyle.

“Hindi,” sagot naman ni Francine.

“Can we talk na tayo lang?” sey na naman ni Kyle.

“Okey lang naman.Ano ba sasabihin mo? Epal naman ‘to, nanonood ako,” sagot ni Francine.

Sinimulan na ni Kyle ang sasabihin. Aniya, “I’ve been thinking about it a lot. . .”

Kinontra agad ni Francine, “alam mo, naririnig ko ‘yung tawa mo,” she said.

“I don’t know if you’re hearing things kasi medyo seryoso nga ‘to,” sabi ulit ni Kyle.

“Oh, okay,” sambit naman ni Francine.

Hanggang sa sinabi ni Kyle kay Francine na nami-miss niya ito.

Gulat na gulat si Francine. “Ako?? Ha??” tanong niya.

“Nami-miss ko ‘yung ganyan tayo. Nahuhulog na ako sa ‘yo,” sabi naman ni Kyle.

“Alam mo, prank call ‘to,” sagot ni Francine.

Hindi na napigil ni Kyle ang tawa niya kaya nabuking na talaga siya ng young actress.

“Sabi ko na nga ba, prank, eh,” sey ni Francine.

‘Yun naman pala ay may nag-text kay Francine at sinabi sa kanyang guest nga si Kyle sa vlog ni Robi.

Besides, pagbubuking ni Francine, hindi naman daw kasi tumatawag sa kanya si Kyle.

Tanong ni Robi, “paano kung talagang sabihin ni Kyle na nahuhulog na siya sa ‘yo, ano ang mararamdaman mo?”

Sagot ni Francine, “hindi ko alam, matatawa lang ako, Kuya Robi.”

Dahil sa insidenteng ito, dito talaga namin napatunayan at ng mga fan ng KyleCine na friends lang talaga sila. Walang romansang nagaganap na dapat lang naman din dahil mga bata pa sila.

COVID-19 krisis: Jewel nagbigay lakas-loob sa mga manganganak

Sa kanyang Instagram account ay ikinuwento ng dating Kapamilya actress na si Jewel Mische ang karanasan niya sa panganganak sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nanganak si Jewel last April 7 sa pangalawang baby nila ng American husband na si Alister Kurzer. Pinagalanan nila itong Emerald.

“We did it. We made it through a hospital birth during the Coronavirus outbreak. I am so happy to be home, healthy and on the other side,” ang bungad ni Jewel sa kanyang latest IG post.

Aminado naman ang dating aktres na hindi maiwasang maisip niya ang kasalukuyang estado ng buong mundo ngayon habang nanganganak. Pero mas malaki raw ang tiwala niya sa Panginoon kaysa sa takot na nararamdaman.

“I must admit, it is such a strange time to be welcoming a little one into this world. Although excited, I cannot help but consider the current state of our world while the joy that rests in my arms isn’t aware of what awaits her.

“However, my faith silences my fears with a resounding statement —“She’s born for such a time as this!” For even before she was a thought in my mind, God had already set aside her life for Himself.

“My concerns, although worth considering, are calmed by the idea that our almighty God will have His will done on earth as it is in heaven. And, my faith settles in this truth: that perfect love casts out all fear (1John 4:18).. I am secure in God’s love and protection. —No matter the state of this world, Christ is still King and my Emerald will be part of this great fight for truth,” pahayag ni Jewel.

Nagbigay rin siya ng payo sa mga babaeng buntis or bagong panganak na huwag mag-dwell sa takot.

“If you are pregnant and have a newborn in this time of uncertainty and are feeling nervous, it’s ok. If you’re stressed and anxious that’s ok too. But do not park there and instead be overcome by this; God makes no mistakes, and His timing is perfect. The beauty of children being born within these times, they were made for this. My heart is full of faith they are our little warriors.HUGS,” pagtatapos ni Jewel.