Hanggang kahapon, hindi pa rin nakakapagsumite ng paliwanag si Sen. Leila de Lima sa reklamong isinampa ng tatlong kongresista sa Senate committee on ethics.
Kinumpirma ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, chairman ng komite, na wala pa siyang natatanggap na paliwanag mula kay De Lima sa reklamong inihain nina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.
“‘Di ko pa natatanggap sagot niya,” ani Sotto.
Sa susunod na linggo na matatapos ang ibinigay na 15-araw na palugit para sumagot si De Lima sa reklamo.
Matatandaan na noong Enero 23, tinanggap ng komite na sufficient in form and substance ang dalawang complaint kay De Lima, habang ibinasura naman ang isang complaint dahil sa kawalan ng jurisdiction.
Sa dalawang umusad na complaint na inihain ng tatlong kongresista at isang abogado, parehong tinutukoy dito ang paglabag umano ni De Lima sa rules ng Congress nang payuhan nito ang dati niyang driver na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa imbestigasyon ng House committee on justice hinggil sa isyu ng Bilibid drug trade kung saan idinawit ang pangalan ni De Lima.
Sa complaint ng House leaders, nilabag umano ni De Lima ang Article 150 ng Revised Penal Code nang payuhan si Dayan na huwag dumalo sa hearing, gayundin ang Section 11 ng Rules of Procedures Governing Inquiries in Aid of Legislation of the House of Representatives.
Inireklamo rin siya ng Section 39, Rules XXXIV ng Rules ng Senate matapos sabihin ni De Lima na “sham proceeding” at “kangaroo court” ang isinagawang imbestigasyon ng Kamara.
Reopen this criminal case. Give her justice. https://uploads.disquscdn.com/images/fa20da5eed0c2e0ce466f3038c3ab5c9d65acff13a10ed7d77429089ff855a72.jpg
yeah right, mr. plaguiarism/pepsi paloma, mga holier-than-thou, ‘kala mo walang bahid-dungis mga govt. officials na ‘to. banal na aso, santong kabayo, demonyo pala, hihihihi, mga bwitre.
Si De Lima may sayad din.
Mr sotto idol ko kayo mula pa noong bata ako, marami kayong napapasayang tao, pero sana yung kahirapan at kasamaan ng administrasyon ang tuunan natin, wag nating ibahin ang usapan para lang sabihin na hindi kayo pabor sa katiwalian ng gobyerno, wag kayong matkot na ipaglaban ang tama para sa taong bayan alam nyo yan… wag kayong DUWAG tulad ng marami sa senado at kongreso…. puro kayo DUWAG!!!