Ethics complaint vs Trillanes swak sa form at substance

Antonio Trillanes IV

Nakitaan ng sapat na porma at substansiya ng Senate ethics committee ang inihaing reklamo ni Senator Richard Gordon laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Sa 23 pahinang reklamo, pangunahing grounds na tinukoy ni Gordon ang madalas na ipinakikitang hindi magandang asal ni Trillanes partikular ang mga pang-iinusulto nito sa pamamagitan ng mga paggamit ng masasakit at nakakasirang lengguwahe laban sa isang tao at sa institusyon.

Magugunitang tinawag ni Trillanes sa blue ribbon committee na pinamunaun ni Gordon na “committee de absuwelto” sa pagdinig nito kaugnay sa shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).

Giit ni Gordon, malinaw na “unparliamentary­ acts” ang naging asal ni Trillanes na nakakasira sa Senado at sa tao.

Samantala, hindi naman tinanggap ng komite ang isinamang grounds sa reklamo partikular ang pagkakasangkot ni Trilllanes sa dalawang kudeta.

Una ang kudeta noong Hulyo 2003 sa Oakwood Premier at ang November 2007 coup d’etat sa Manila Peninsula Hotel.

Kaalinsunod na rin ito sa pagkuwestiyon ni ­Minority Leader Franklin Drilon.

Giit ni Drilon, hindi maaaring isamang grounds sa reklamo ang pagkakasangkot ni Trillanes sa dala­wang kudeta dahil nangyari ito noong hindi pa naman ito senador.