Muling bumuga ng banat si Pangulong ­Rodrigo Duterte sa pagpuntirya sa kanya ng ­European Union (EU) bunsod ng mga kaso ng extrajudicial killings sa Pilipinas.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa pagbisita kahapon ng hapon sa 9th Infantry Division sa Camp Elias Angeles, San Jose ­Pili, Camarines Sur ay muli itong naglabas ng himutok.

“Pati ang EU pinapa­ga­litan ako, nu’ng Mayor ako okay lang eh. Iba na itong Presidente na ako, I represent a country.”

“Ako na ‘yung Presidente ng Republika bakit mo ako insultuhin? Bakit mo ako murahin? Akala mo under ninyo, kaya talagang binu-bullshit ko silang lahat ‘yan ang istorya diyan,” anang ng Pangulo.

Hinamon naman ng isang opisyal ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)­ ang European Union (EU) at United­ States (US) na maghain ng kaso laban sa administras­yong Duterte hinggil sa umano’y extrajudicial killings na may kaugnayan sa giyera ng gobyerno kontra iligal na droga.

“If they think that there are really extrajudicial killings … please come out with the cases and let’s go ­after whoever is involved, if there is such a thing. ‘Yung based on reports, based on hearsay, it’s not fair,” ayon kay Donald G. Dee, PCCI honorary chairman at chief operating officer.

Nauna nang nagpaha­yag ang European Parliament at United States ng pangamba sa paglobo ng patayan sa bansa simula nang maluklok si Pangulong Duterte.

3 Responses

  1. Ano ba naman itong si Duterte, maliwanag na kasinungalingan ang pinagsasabi niyang ininsulto daw at minura siya ng EU. Wala naman nang insulto at nagmura kundi si Duterte lang. Papaano kaya ito dedepensahan ng mga aso ni Duterte?

    1. Para kasi sayo hindi insulto at mura yung hindi nag papansintabi sa opisina ng presidente bago mag salita sa media. Para kasi sayo gusto mo inuuto uto nang ibang bansa sarile mong Presidente.

    2. nagbabasa kaba? or nakikinig ng balita? MAKIRAMDAM KALNG kapatid! di lahat ng chismis totoo, nakikialam ang ibang bansa eh wala naman silang alam? sinisira ng foreign journlist ang presendente natin!

      ano ba gusto mo?

      1.ibalikng Laglag bala sa NAIA?
      2.pang pang rerape at pag patay ng mga adik sa mga bata?
      3.walang 911?
      4.talamak na bentahan ng droaga sa Bilibid?
      5.hayaan ang shabu lab na mag expand?

      Mag isip ka bago ka mag comment.