Eugene, dapat mag-Best Actress!

EUGENE & JERICHO

GISING na gising ang natulog na movie career ni Eugene Domingo sa comeback film niya after more than 2 years na Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough.

Wagas ang halakhak namin sa LITERAL na PASABOG na ending nito na napanood namin sa press preview.

Basag na basag kami sa eksenang ‘yon!

Halos dalawa lang ang location ng pelikula: ang high-end spa resort kung saan inimbita ni Ms. Eugene Domingo (as herself) ang indie filmma­ker na si Direk Rainier dela Cuesta (Kean Cipriano), line producer nitong si Jocelyn (Cai Cortez) at bagong PA na si Lennon (Khalil Ramos); at saka sa Baguio City na setting ng movie within a movie na The Itinerary.

Sa script ni Direk Rainier, ang kapareha ni Ms. Eugene (sa papel na Romina) ay si Joel Torre (as himself), pero iginigiit ni Ms. Eugene ang gusto niyang kapareha na si Jericho Rosales (as himself din).

‘Kalokah ang pagi­ging BITCHESA ni Eugene Domingo sa pelikula, na kunwaring nagsa-suggest lang at pa­nay ang dayalog sa direktor ng linyang, “After all, I’m just an actress!”

Pero ang totoo ay minamanipula nito ang takbo ng istorya at NA­NGINGIALAM ito sa lahat ng aspeto ng pelikula.

Effortless ang husay rito ni Uge, na sinulit nang husto ang kanyang big screen comeback.

Akala namin ay naibigay na niya lahat doon sa original movie, pero heto’t NANGANGA­BOG pa rin ang Uge at ginalingan na naman n­iya rito.

‘Yun lang eksena n­iyang iniisa-isa niya ang 3 Levels of HUGOT Known to Man ay ibibigay na namin sa kanya ang 2016 MMFF Best Actress trophy!

Ganu’n kagaling ang hitad at tanging siya lang ang makakagawa ng role na ito, wala nang iba pa.

Nagamit dito ni Uge ang kinuha niyang Spa­nish lessons dahil huma-habla Español ang hitad, lalo na ‘pag kausap niya ang kanyang hunky Spanish butler, dri­ver, bodyguard, fitspiration, etc. na si Facundo (ginampanan ng Brazilian hunk at first Fo­reignoy winner na si Gui Adorno).

Pati ang pagtugtog n­iya ng ukulele ay na-highlight dito nang awitin niya (nang buo) ang Forever’s Not Enough, na in fairness ay okey ang version niya ng hit song ni Sarah Geronimo.

***

Ang sarap ng mga halik ng hunkylicious na si Jericho kay Uge sa sunset scene nila na shirtless si Echo.

Benta ang pagkabuwisit ni Joel Torre tuwing inaagawan siya ng role ni Jericho at naiitsa-puwera siya sa mga eksenang isinulat para sa kanya.

Nakyutan kami sa role ni Khalil, na halos walang dayalog at madalas ay tagakuha lang ng pictures ni Cai na pinu-post nito sa Instagram.

Hindi lang suporta kundi lead role dito si K­ean as the director na pilit na nagtitimpi sa pagmamahadera ng kinukuha niyang artista, na walang habas kung magdikta.

Bet namin ‘yung eksena ni Kean na habang may nakasalpak sa puwet niya at kino-colon cleansing siya ay gustung-gusto na niyang sumabog sa sobrang pagkabuwisit sa mga hanash ni Uge.

May laban sa pagka-Best Actor si Kean kung walang Paolo Balleste­ros (na bida sa Die Beautiful).