Eugene, dinadalaw-dalaw ang BF sa Italy

Jericho at Eugene

NAGBABALIK sa big screen si Eugene Domingo sa 2016 MMFF entry na Ang Babae sa Septic Tank 2: #Fore­verIsNotEnough.

First time nilang magkatrabaho ni Jericho Rosales na romantic leading man niya sa movie.

Para kay Uge ay perfect si Echo para sa role dahil sobrang nakakakilig ito as a leading man.

Sa tanong kung meron ba silang kissing scene o love scene sa sequel ng hit indie film niya nu’ng 2011, ang sagot ng comebacking comedienne, “Syempre, hindi naman ako papayag na hindi ko siya mamomolestya! Ha! Ha! Ha!”

Mahigit dalawang taon ding namahinga si Uge sa paggawa ng pelikula.

Sabi niya sa presscon ng Septic Tank 2 kahapon, mala­king tulong sa kanya ‘yung pamamahinga niya at paggawa ng mga bagay para sa sarili niya.

Perfect timing, perfect material at perfect cast ang perfect answer ng premyadong komedyana kung paano siya napapayag magpelikula ulit after a 2-year hiatus.

Iba ang glow at aura ngayon ni Uge, na halatang happy and in love.

Sey niya, sakto ang tema ng Septic 2 na parody ng mga romcom mo­vies dahil may kilig at tamis ang buhay niya ngayon.

Masarap ang ngi­ting inamin ni Eugene na me­ron siyang boyfriend.

In love siya, hindi sa sarili niya kundi sa isang tao.

“Lalaki po siya. He’s not a Filipino, he’s Ita­lian. We met in Udine Film Festival during Barber’s Tales,” kuwento ni Uge.

Aniya, wala sa isip niya na magkakahulugan sila ng loob ng Italyanong si Danilo, pero nang i-approach siya nito ay nagklik sila agad at hindi na niya ito nakalimutan.

Nagsusulat si Danilo for a film website at sa interbyuhan nila ay buong ningning nitong tinanong si Uge if she was in love. Sinagot niya ito ng, “Are you writing for a tabloid?” kaya ni-rephrase nito ang question.

Mula noon ay parang hinahanap-hanap na nila ang isa’t isa.

Nagsimula na silang mag-chat, pero hindi siya agad nito niligawan. Ngayon ay mga 2 years na silang close.

Naging sila ni Danilo officially nu’ng July.

Every now and then ay pumupunta si Uge ng Italy para dalawin ang kanyang boyfie.

Next year, sana ay matuloy itong pumunta rito para makita nito ang ganda ng Pilipinas.

“I found my fore­ver! And forever is not enough!” masayang tili ng inlabey na komedyana.

So, kailan na ang kasal?

“Ha! Ha! Ha! Wala pa, we’re just enjoying our time. He was very happy that I am back into film because he was always asking kung kailan ako babalik sa pag-arte.

“He’s very excited about Septic Tank 2 and hopefully, God wil­ling, maipalabas din ito sa ibang bansa.”

Sakaling mag-propose sa kanya si Danilo sa 2017, ready ba siya?

“I guess so, why not?” mabilis na sagot ni Uge.

Pero sey niya, wala pa silang mga gano’n, enjoy lang muna sila ‘pag magkasama sila, na hindi madalas dahil nandito siya at ang boyfriend niya ay nasa Italya.

Older kay Uge si Danilo na nasa 50 na ang edad.

Aminado si Uge na medyo mahirap ang LDR dahil magkalayo sila, pero mas nagiging creative ‘pag gano’n at mas naa-appreciate ang oras ng isa’t isa.

Nagpapasalamat si Uge sa GMA na pinagbibigyan siyang magbakasyon.

Active sa social media si Uge lalo na sa Snapchat at Instagram. Bakit hindi siya nagpu-post ng picture nila ng kanyang Italian Amore?

“Because I want my revelation to be special and today is special.”

So, starting today ay magpu-post na siya ng pics nila together?

“I think! Sige, sige, sige!”

Kailan ba siya huling nagka-lovelife?

“Ahh… siguro nu’ng nakaraang buhay ko pa!” natatawang sambit ng nag-uuminlab na si Uge.