Eugene-Edu, masarap na putahe!

EUGENE at EDU

Sharon-Kiko, kaduda-duda ang ‘status’!

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

TWEET ni Sharon Cuneta kahapon, “Glad to be home. Really missed my children. Sad to be away from the US, though. Mabuhay!”

Ang tanong ng ilang netizens, bakit hindi kasama ang mister niyang si Senator ‘Kiko’ Pangilinan sa na-miss niya?!

Hindi kaya lalong lumala ang duda ng marami na there’s something wrong sa relasyon ng mag-asawa?

Just asking!

***

Hindi na ikinagulat ng loyal followers ng Eat Bulaga ang pagbabalik sa show ni Ruffa Gutierrez noong Martes bilang referee sa JACKPOT & POY segment.

Due to insistent public demand, nag-guest uli sa nasabing game segment ng Kapuso noontime show si Ruffa.

Marami ang natuwa sa pagiging referee niya sa JACKPOT & POY noong Mayo 10, kaya marami ang nag-request na ibalik siya roon.

Si Ruffa, natuwa sa magandang feedback, kaya masaya rin siyang nagbalik bilang referee sa JACKPOT & POY.

Tawa nang tawa si Ruffa tuwing ginagaya siya ni Bossing Vic Sotto sa kanyang dialogue na, “One, two, three… goooowww!” na ginagaya na rin ng iba.

Enjoy si Ruffa sa pagre-referee sa JACKPOT & POY, kaya bukas, babalik na naman siya sa Eat Bulaga para sa nasabing game segment.

Noong 1997, naging parte na si Ruffa ng Eat Bulaga nang mapasama siya sa KASEROLA NG KABAYANAN segment ng nasabing noontime show.

Sabi ni Ruffa, maging siya, nag-e-enjoy sa napapadalas na pagre-referee niya sa Eat Bulaga.

***

Ruffa Gutierrez
Ruffa Gutierrez

While with Ruffa sa Eat Bulaga noong Martes, naaliw kami sa pakikipagtsikahan sa youngest host ng show na si Baeby Baste o Sebastian Benedict.

Nakakaaliw katsikahan ang bata.

Serious siya sa pagiging host ng Eat Bulaga, huh!

Sa edad niyang 4, parang ang bilis niyang makuha ang ­instructions ng staff ng Eat Bulaga tuwing ­isasalang siya.

Sa tuwa namin kay Baeby Baste, nagpa-­picture pa kami kasama siya bago mag-start ang Eat Bulaga noong Martes at ang dialogue niya, “Isa na lang kasi mag-i-start na po ang show!”

***

Si Edu Manzano ang co-host ni Eugene Domingo sa third season ng Celebrity Bluff na magbabalik na sa GMA 7 sa Hunyo.

Ayaw pang sabihin ng Kapuso network management ang exact airing date ng third season ng Celebrity Bluff, pero natutuwa sila na maganda ang feedback na makakasama na roon ni Eugene si Edu.

Wala na si Jose Manalo, na balitang nagkaroon ng “gusot” kay Eugene, pero with Edu’s addition sa nasabing game show, mukhang may “masarap” na bagong “putahe” ang Siyete.

Sana lang ay huwag magkaroon ng intriga sa kanila ni Eugene, huh!

Anyway, sabi ng GMA 7 management, ibinabalik nila ang ­Celebrity Bluff dahil sa request na rin ng viewers na gustung-gusto ang game show na ito.