EUGENE, NASASARAPAN KAY JOEL

Joel Torre at Eugene Domingo

MATAGAL bago muling nagkapelikula si Eugene Domingo.

If my memory serves me right, Barber’s Tales ang last movie ng aktres.

Sa mga naka-miss kay Uge, bonggang-bongga ang comeback of sorts niya — Ang Babae Sa Septic Tank 2.

Chika ni Uge, “Perfect timing ang paggawa ng Septic Tank 2 na sequel because everybody here is so inspired.

“Ang ganda! Ang perfect ng timing. Ang perfect ng cast. Perfect ang script. It’s the perfect fa­mily mo­vie this Christmas.”

Ano ang kaabang-abang sa sequel?

“Mag-e-enjoy sila sa pelikula at kikiligin, kasi, masaya, eh. Lalo na kung dadalhin nila ang barkada nila.

“Laugh trip siya. Dalhin mo ang family mo, barkada, boyfriend mo, girlfriend mo. Basta, kikiligin ka sa movie.”

Maharot nitong patuloy, “‘Yung Septic Tank 1 is about poverty. Dito naman, crush na crush kaming lahat. Mararamdaman mo na lahat kami, in love…

“‘Yung Septic 1 kasi, naka-focus siya sa pagsali sa international film festival, sa paggawa ng indie film.

“Septic Tank 2 is connection niya sa mga mahilig manood ng romantic comedies.

“‘Yung mga fans nina Bea, John Lloyd, Jericho, Kristine, lalong-lalo na Ms. Sarah Geronimo, ang mga followers nila, they will really enjoy this film.

“At saka, sino naman ang ‘di gustong ma-in love ‘pag nanonood ng sine, ‘di ba?”
Ang leading men ni Domingo sa pelikula ay sina Jericho Rosales at Joel Torre.

Salaysay ni Uge tungkol kay Echo, “He is very funny and very coope­rative. He is serious in a funny way.

“Sineseryoso niya ito. Si Jericho, very light saka kwela. Magaan at mapagbiro sa lahat ng tao.

“‘Yung comedy sa kanya, natural.”
Eh si Joel?

“He is my indie hero. Parang namulat ako sa paggawa ng pelikula, lalo na ng indie film, kay Joel Torre.

“Tribute ko ito kay Joel Torre, kasi, crush ko siya. Oo, siya ang long time crush ko.

“High school pa lang ako, tapos indie hero ko pa siya, tapos nakasama ko pa siya sa mga soap sa ABS-CBN.

“Up to this day, crush ko pa rin siya. Habang nagkakaedad, lalong gumagwapo.
“Juicy talaga. ‘Di ba, dapat, yummy? Hahahaha!

“Eugene Domingo, nasasarapan kay Joel Torre. Ayan, may pang-headline ka na.
“Pero totoo iyon. Matagal na niyang alam na crush ko siya.

“Siya nga ang tunay na pag-ibig ko sa Marina. Hahaha!”