PASABOG ang finale epi­sode ng Full House Tonight this Saturday (May 27).

Bago sumabak si Eugene Domingo sa pagho-host muli ng Celebrity Bluff, dito muna siya magpapakitang-gilas.

Ani Uge, “Papakita natin ang versatility ni Regine Velasquez as an actress at siyempre, tuturuan ko siya ng tama.”

May mensahe rin si Eugene para sa mga Kapuso, “Fact na fact na dapat manood kayo ng Full House Tonight ngayong Sabado, kasi, magtutunggali kami ni Songbird.

“Tuturuan ko siyang umarte. ‘Di kasi marunong, eh!”

***

Magpapasabog ng saya ang Impostora stars na sina Kris Bernal, Rafael Rosell, at Sinon Loresca ngayong Sabado ng 4:00 PM sa South Town Center ng Talisay City, Cebu.

***

Regine Velasquez
Regine Velasquez

Nag-iingay sa Instagram at Twitter feeds ang fans ng JEYA boys na sina Ken Chan, Addy Raj, Ivan Dorschner, at Jak Roberto ng Meant To Be.

Kanya-kanya kasi sila ng boto at hula kung sino sa apat ang groom ni Billie (Barbie Forteza) sa eksena nito recently na kasalan.

Ibang kilig talaga ang dala ng GMA Primetime series na ito!

***

Napabilib ng T.O.P. ang mga nakarinig sa kanilang rendition ng Ikaw Nga na official theme song ng Mulawin vs. Ravena.

Binigyan ng T.O.P. ang kantang ito ng bagong identity.