Eugene, tuloy pa rin ang anthology

Eugene Domingo

ALTHOUGH may denial na ang GMA 7 management tungkol sa tsikang matsutsugi na ang Dear Uge anthology ni Eugene Domingo tuwing Linggo pagkatapos ng Sunday PinaSaya, marami pa rin ang nang-iintrigang mawawala na ang show na ‘yon.

May Celebrity Bluff na kasi uli ang comedienne/TV host tuwing Sabado nang gabi.

Pero ayon sa isang staff ng Dear Uge, aprubado na ng Kapuso management ang season 6 ng kanilang show.

Kahapon ay nag-taping si Ruffa Gutierrez para sa Dear Uge na ipapalabas sa Linggo.

***

Parang playground lang ni Baeby Baste ang backstage ng Eat Bulaga.

Tuwing nasa Eat Bulaga kami, nakikita naming enjoy na enjoy ang bata sa paglalaro sa backstage.

Si Ruby Rodriguez at ang anak nito na si AJ ang madalas na kalaro ni Baeby Baste.
Kahapon, habulan sila nang habulan.

“Hingal na hingal na nga ako sa kahahabol sa kanila,” sey ni Ruby sa amin.

Sa Agosto pa ang pasok sa school ni AJ, kaya matagal-tagal pang may kalaro si Baeby Baste.

Sanay sa mga bata si Ruby dahil dati siyang teacher sa isang pre-school.

***

Walang taping ang La Luna Sangre ng ABS-CBN noong Lunes dahil Independence Day.

Sinamantala ‘yon ni Richard Gutierrez para makapag-out of town siya sakay ng motorsiklo kasama ang mga kaibigan.

Eh noong Lunes din nanganak ang sister-in-law ni Richard na si Alexa Uichico-Gutierrez at baby girl na naman ‘yon.

Gustuhin man ni Annabelle Rama na ikuwento kay Richard na nanganak na ang misis ni Elvis Gutierrez, hindi niya magawa dahil ayaw niyang maistorbo si Richard.

“Nagmo-motor kasi kaya ayokong tumawag,” sey ni Bisaya.
Kahapon eh dume­retso na si Richard sa pictorial niya para sa isang broadsheet.

Naka-motor si Richard nang dumating sa pictorial dahil hindi na siya umuwi pa.

From the pictorial, saka siya dumalaw kay Alexa at nakita ang bagong pamangkin niya na si Ezra.

Naaliw si Bisaya sa apo niyang si Aria dahil nagseselos ang bata sa kanyang baby sister.
Sabi naman namin, natural lang ‘yon dahil two y/o pa lang si Aria.

Sabi pa namin, kung si Zion ang magkakaroon na ng kapatid, baka hindi na ito maging seloso dahil 4 y/o na ang anak nina Richard at Sarah.

Sa ngayon, wala pa kaming naririnig kina Richard at Sarah na gusto na nilang sundan si Zion.
Ang alam namin, ine-enjoy pa nilang mabuti si Zion.

Anyway, mamayang gabi eh guest si Richard sa Tonight with Boy Abunda.