Eula, Ruffa, Sunshine paasiman ang labanan

Eula, Ruffa, Sunshine paasiman ang labanan

May asim pa sila at in a great way ang komplimentong iyan para kina Eula Valdes, Sunshine Cruz at Ruffa Gutierrez, huh.

Tatlo sila sa pangunahing babae na tiyak hindi lang todo, wagas pa ang kabugan, kamalditahan, iringan, sampalan at sabunutan na magaganap sa paparating na drama serye.

Ang lamang ni Eula sa kanila, sabi nga ni Yam Concepcion na half-sister ni Kim Chiu ang katauhan, “Ang tingin ko pa rin sa kanya si Amor Powers. Kinabahan nga ako na mama ko siya tapos lagi ko siyang kaeksena. Naging iconix na kasi ‘yung character ni Amor Powers at dahil sa sobrang galing ni Ma. Eula sa pagiging Amor, ang hirap ihiwalay para sa’kin ‘yun.”

Of course, excited si Eula na maging legal wife ni Drama King Christopher de Leon.

Ang first concubine naman ay si Sunshine na kung pagbabasehan mo ang TV trailer, parang of equal footing sila ni Eula sa buhay at puso ni Papa Boyet. Sa makalumang Chinese tradition, ang legal wife ang may pinaka-boses at pinaka-makapangyarihan sa lahat at ang first concubine and the others, defer to her.

Dahil nga modern take ito on the Filipino-Chinese family dynamics, hindi kaya ang assertion ng katauhan ni Cruz ang siyang dahilan kaya ang power struggle na meron sila ng katauhan ni Eula ay bombastic talaga?

Eh saan papasok sa equation ang rikit at alindog ni Ruffa? Hindi mo alam sa clip kung sino ang kanyang kakampi at kung sino ang tunay niyang kaaway. At may pasabog pa ito na may anak na lalaki. Again, in traditional Chinese families, mas may premium at value ang anak na lalaki. Kaya, kung saka-sakaling may anak na lalaki ang katauhan ni Ruffa kay Papa Bo, puwedeng mawala ang inportansya at kapangyarihan meron ang mga katauhan nina Chiu at Concepcion.

Ang taray ng “Love Thy Woman”! Sa Pebrero 10 pa ipapalabas pero ngayon pa lang, aroused na aroused ang curiosity nating lahat dahil sa mga alindog nina Eula, Ruffa at Sunshine.

Tampururot! Kim nilayasan si Xian

Sa press payanig para sa “Love Thy Woman”, pansin na pansin ko talaga ang tunog ng pagsasalita ni Xian Lim. Ewan ko kung ako lang ito pero parang ang lambot-lambot ng boses niya at nasal na nasal talaga ang projection your honor nito. Hindi naman sing-song o pang-super conyo, basta parang galing sa ilong at may kung anong lambing.

Parang gusto niya pang kabugin si Zsa Zsa Padilla na hindi lang nasal sounding kung magsalita, kundi pati rin sa pagkanta nito di va? ‘Yung iba nga malupit kay Divine Diva, ngongo sounding raw ito. Ang savage! Hahahaha.

Isa pang kataka-takang kaganapan, magdyowa ba talaga sina Lim at Kim Chiu? Sa aking mapanuring mata at obserbasyon, parang may pagdududa ako. Sa true lang, pakiwari ko parang hindi sila.

Bakit kaniyo? Noong silang dalawa ay kinakapanayam ng mga TV crew, kitang-kita ko na hinahawakan ni Chiu ang kamay ni Lim pero hindi nagtatagal. Bumibitiw agad si Xian sa paglalapat ng kanilang mga kamay.

Kung ang ibang magkatambal na for reel at real eh ‘pag magkatabi eh parang may malagkit na pandikit ang kanilang mga kamay at halos magkahinang na ang mga ito kaya ni hindi na sila magkahiwalay. Hitsurang baka pasmado ang kanilang mga kamay. Iba ang drama nina Kim at Xian. Parang ayaw nitong si lalaki na itodo sa harapan ng press ang holding hands while being interviewed sila.

Pansin ko rin na unang umalis si Kim sa venue. Medyo nalayo na siya kay Lim saka pa lang siya lumingon rito sabay sabi na aalis na siya. Feeling tuloy ng mga nakakita, may LQ ang dalawa.

Hindi ba kung magdyowa kayo, dapat si Xian would have excused himself sa kung kanino man at ihahatid man lang ang kanyang kasintahan kahit man lang hanggang sa lift? Wala ring flying kiss o totoong beso man lang kay Kimmy o ingat ka? Ganito ba ka-exciting ang kanilang relasyon?

Sabi ni Xian, ang kanyang pamamaraan kung paano magmamahal ng isang babae ay “Handle her with care. Treat her with respect and never let a day go by without communicating.”

Juice colored! Mabining mangingibig nga ba si Xian Lim o talagang ang sinasabing matatag nilang relasyon ni Kim Chiu ay pabalat bunga lamang? All for show at si Kimmy lang ba ang nagmamahal?