Isang turistang Chinese ang kauna-unahang naitalang namatay sa coronavirus disease (COVID-19) sa France, sa labas ng Asya.
Ang nasawi ay 80-anyos na lola mula sa lalawigan ng Hubei, sa China, batay sa report French Health Minister Agnès Buzyn.
Ang biktima ay dumating sa France noong Enero 16, at isinailalim sa ‘quarantine’ sa ospital noong Enero 25.
Una dito, tatlo ang napaulat na nasawi sa virus sa labas ng mainland China, at ang mga ito ay sa Hong Kong, Pilipinas at Japan. (Dolly B. Cabreza)