Nakalabas na sa ospital si NBA legend Patrick Ewing matapos gumaling sa COVID-19 noong Biyernes [Sabado, Manila time].
Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Patrick Ewing Jr. sa Twitter account.
“My father is now home and getting better. We’ll continue to watch his symptoms and follow the CDC guidelines. I hope everyone continues to stay safe and protect yourselves and your loved ones.”
Kasabay nito nagpaabot na pasasalamat ang kanyang anak sa mga doctor at hospital staff na todo alalay sa naratay na basketball hall of famer.
“I want to thank all of the doctors and hospital staff for taking care of my father during his stay,” hirit ni Ewing Jr.
Gayundin sa mga fan at supporter ng kanyang 57-anyos na ama na walang sawang nagpaabot ng pag-alala at dasal para mapabuti ang kalagayan nito.
“As well as everyone who has reached out with thoughts and prayers to us and since his diagnosis.”
Inamin noong Sabado nang nakatatandang Ewing na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 kaya na-isolation area sa hospital. (Aivan Episcope)