SAN ANTONIO, Nueva Ecija — Patay ang isang retiradong koronel ng Phil. Army makaraang manlaban sa mga pulis na magsisilbi ng search warrant kahapon ng umaga sa Brgy. San Francisco rito.

Ayon sa ulat, nakilala ang napatay na si (ret) Lt. Col. Edito Manigque Nisnisan, 62, residente ng Basangan St., Brgy. San Francisco.

Nabatid sa pagsisiyasat na dakong alas-8:15 ng umaga nang isilbi ang search warrant laban kay Nisnisan.

Gayunman tumanggi ang retired officer at pinutukan ang mga pulis gamit ang isang cal.38 revol­ver kaya’t nagkaroon ng encounter.

Napatay si Nisnisan na nakunan pa ng isang MK2 fragmentation hand grenade, iba’t ibang klase ng bala at dalawang sachet ng hinihinaang shabu.