Inihayag kahapon ng Supreme Court (SC) ang pagpanaw ni dating­ Associate Justice Leonardo Quisumbing.­

Si Quisumbing, 79-anyos, ay nanungkulan bilang mahistrado ng SC mula 1998 hanggang 2009.

Bago naging miyembro ng Kataas-­taasang Hukuman, nagsilbi rin si Quisumbing bilang kalihim ng Department of Labor and Employment at undersecretary ng Department of National Defense sa ilalim ng admi­nistrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Naging senior deputy executive secretary siya kay dating Pangulong Fidel V. Ramos

Nagretiro siya sa SC noong Nobyembre 6, 2009.