Magtatatag ng bagong team si Charo Soriano para isabak sa Premier Volleyball League, ­dating Shakey’s V-League na magsisimula sa Abril 30 sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.

“Yes, we are ­forming a new team,” saad ­ni ­Soriano dating Ateneo star na naglaro ng dala­wang conference Bali Pure nakaraang season.

Ayon kay Soriano founder ng Beach Volleyball Republic, (BVR) nasa proseso pa para sa ­pinal na pangalan ng team, pero si ­University of the Philippines ­women’s coach Jerry Yee na ang hahawak ng squad.

Makakasama ni ­Soriano ang kapwa BVR founders na sina Dzi ­Gervacio at Bea Tan.

Kinompirma naman ni Yee na pumayag itong maging coach ng team ni Soriano.

“Yes and it will just be for a month,” wika ni Yee na ang kanyang UP squad ay ­kasalukuyang ­naka-pokus para ­sumampa sa Final Four sa nagaganap na UAAP volleyball tournament.

Tinanong si Yee kung isasali niya ang ­kanyang mga bataan sa UP para maglaro sa kanyang ­bagong team, sagot nito, hindi sa kanya manggagaling ang desisyon.

“I gave my senior players the freedom to choose the team they are playing after the UAAP, its really up to them,” hayag ni Yee.

May anim na teams ang kasali sa PVL ­Reinforced ­Conference ­kasama ang ­powerhouse Pocari Sweat, ang ­defending ­champion at Open ­Conference ­titlist, Creamline na ­pinangungunahan ni volleyball superstar Alyssa Valdez, Air Force at Bali Pure.