CUYAPO, Nueva Ecija — Usapin sa nalalapit na halalang pam-barangay ang motibo ng pagpaslang sa dating barangay captain na itinumba noong Miyerkules ng umaga sa Cuyapo-Talugtog road sakop ng Purok 3, Brgy. Baloy sa bayang ito.

Ayon kay P/Supt. Felix Castro, binaril sa likuran at napatay ng hindi pa nakilalang riding in tandem si Ex-brgy. capt. Ruben Lawig ng Brgy. Baloy.

Alas-10:00 ng umaga noong nagsumbong sa ­pulisya si Brgy. Kagawad Felimon Mina ng Brgy. Baloy ukol sa insidente.

Sa pagresponde ng grupo ni SPO4 Rudy Mendoza, inabutan nang nakabulagta si Lawig at tuma­kas na umano ang mga salarin patungong Talugtog.

Bukod sa pulitika ay sinisilip ang iba pang posibleng motibo sa pagpaslang.