Kamatayan ang kinahantungan ng dating bilanggo na pinagbabaril ng tatlong suspek sa Tondo, Maynila.
Agad binawian ng buhay si Rolando Nionez y Roxas, miyembro ng Batang City Jail, at residente ng Bldg. 30 Unit 15 Temporary Housing , Aroma Compound sa Brgy. 15 sa Tondo, matapos magtamo ng tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nakatakas naman ang mga suspek, na ang isa ay nakilalang si Joshua Velasco Y Bajar, 27, habang ang dalawa ay nakasuot ng facemask kaya naman hindi ito nakilala.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District – homicide section, dakong alas-6:30 ng gabi, nang pasukin ng mga suspek ang biktima sa loob ng kanilang bahay at saka pinagbabaril.
Tumanggi na umano na pa-imbestigahan pa ang insidente nang pumirma ng waiver ang lola ng biktima na si Josephina Valencia, 58, at ang kapatid ng biktima na si Bhrayha Niones.
Hinala ng pulisya, onsehan sa droga ang motibo ng pagpaslang sa biktima.